Search

Tensiyon: Ama ng witness sa kaso ni Kian, gustong kunin ang anak mula sa simbahan, hindi pinayagan


Nagkaroon ng tensyon sa San Roque Cathedral, Caloocan matapos bumisita ang ama ng isa sa mga witness sa pagpatay kay Kian Delos Santos.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, dumating sa bishop’s residence ang ama ng isa sa mga babaeng testigo para kunin ang kustodiya ng kanyang anak. Kasama niya ang ilang miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).



Kalookan Bishop Pablo Virgilio David talks to the media after his meeting with the Volunteers Against Crime and Corruption and the Criminal Investigation and Detection Group about the custody of a minor witness to the killing of 17-year-old Kian Loyd de los Santos.
Posted by CBCP News on Saturday, September 9, 2017

Nagbigay pa ng sulat ang ama kay Bishop David para kumbinsihin ito na ibalik sa kanyang pangangalaga ang anak.

Pero sa huli, nag-iba raw ang isip ng ama matapos makausap ng masinsinan ang anak.

Napagdesisyunan din ng ama na pumasok sa protective custody ng simbahan.


Dati raw nakulong ang ama dahil sa paggamit ng iligal na droga.

More: Walong lalaki ginahasa ang 14 anyos na dalagita ng malasing

Yun nga lang, nagkaroon ng tensyon matapos umanong ipagpilitan ng CIDG na kunin ang custody ng ama.

Matapos ang ilang oras, pumayag din ang mga otoridad na iwan sa simbahan ang ama.

Pumunta rin sa simbahan si Commission on Human Rights (CHR) Chairman Jose Luis Martin Gascon para tignan ang nangyaring tensyon.

[Read more: News5]

No comments:

Post a Comment