Search

Sen. Pangilinan sa P1000 budget ng CHR: "Kalokohan ito, derecho na tayo sa diktadura"


Budget para sa CHR, ipaglalaban ng mga Senador

Ikinadismaya ng mga Senador ang 1,000 pesos na budget para sa taong 2018 na ibinigay ng kamara sa Commission on Human Rights o CHR.

Ayon kay Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan, isang kalokohan ang nabanggit na hakbang Kamara.


"Kalokohan ito, ngayon alam na natin ano ang mangyayari sa bansa natin kapag nag-cha-cha at itulak ang voting jointly na tig-isang boto lang ang mga Senador at Kongresista. Derecho na tayo sa diktadura" Sen. Pangilinan

Watch: Sen. Drilon umalma narin sa P1000 budget ng CHR

Giit naman nina Senators Chiz Escudero, Win Gatchalian at Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang CHR ay may mandato na ginagarantiyahan ng ating saligang batas para protektahan ang ating karapatang pantao.

Pagtiyak ni escudero, ipagpapalaban nila sa senado na maibalik ang nararapat na pondo para sa CHR.

Pinalala pa ni Senator Sonny Angara, kundi dahil sa CHR ay hindi mabubuking ang sekretong detention cell kung saan itinatago ang ilang bilanggo na kinabibilangan pa ng mga babae at mga kabataan.

Ayon kay Senator Bam Aquino, napakahalaga ngayon ng tungkulin ng CHR sa gitna ng patuloy na tumataas na kaso ng pagpatay at pag-abuso ng mga otoridad.

[Read more: RMN]

1 comment:

  1. The common people don't feel the CHR presence. Only when there is media hypes that poor people are being attended by the CHR kuno. There are so many victims of criminals who never ever got justice because they don't know how to do it and because they don't have money to pursue justice. and when criminals are killed by the bastard policemen themselves they are given all the attentions of senators, media, chr and it's being broadcast to the whole country that they were not given justice or their rights were not considered.

    ReplyDelete