Mocha namataan sa RW casino, iimbestigahan na - PCO Sec. Andanar


Mocha sa casino iimbestigahan

Iniimbestigahan na ng Presidential Communications Operations ­Office (PCOO) ang ulat hinggil sa umano’y presensiya ni Assistant Secretary Mocha Uson sa isang casino.

“Mocha asked permission to honor her entertainment contracts when she joined government. Anyhow, we are still looking into the matter of Mocha performing inside RW,” ani PCO Secretary Martin Andanar nang hi­ngan ng reaksyon sa isyu.

“PCOO is looking into the matter,” dagdag nito.


Gayunpaman ay iginiit ni Andanar na maaari pa namang mag-perform si Mocha pero hindi, ­aniya, sa mga lugar katulad ng casino.

More:  P245-M DAP funds: "Ghost projects" ni Trillanes na panahon pa ni Aquino, nabulatlat

Ang pahayag ay ginawa ni Andanar kaugnay sa kumakalat na video ni Mocha at kanyang grupong Mocha Girls na nagpi-perform sa Bar 369 sa Resorts World sa Pasay City.

Ang pagpasok sa mga casino ng mga opisyal at tauhan ng gobyerno ay mahigpit na ipinagbabawal­ alinsunod sa Presidential Decree No. 1067-B (series of 1977) na inamyendahan ng PD No. 1869 (series of 1983).

[Read more: AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment