Search

Lolit Solis, pakapalang umihi sa basurahan sa Paris, France


LOLIT, UMIHI SA BASURAHAN!

SI Manay Lolit Solis ang isa sa mga naunang naka­balik ng bansa pagkatapos dumalo sa kasalang Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa Paris, France.

Sabi ni Manay ­Lolit, sulit na sulit ang biyaheng iyun, at pagdalo niya sa naturang kasal dahil naging bahagi siya sa napakagarbo at napaka­sosyal na kasalang iyun.


“Parang inubos na yata ni Vicki ang datung niya sa kasal na ‘yun,” bulalas ni Manay Lolit, na hindi kagulat-gulat.

Mas naaliw ang kuwento niyang inihian niya ang isang kuwarto ng The American Church na pinagkasalan nina Dra. Belo.

Nakakatawa ang kuwento niya na sobrang nalayuan siya sa CR ng naturang church, kaya hindi niya alam kung saan siya iihi.

More: Pres. Duterte to Gascon, "Pedophile kang gago ka"

Nag-post pa siya sa Insta­gram account kung saan nabanggit pa niya ako kapag naiihi siya sa alanganing lugar.

Heto na lang ang ba­hagi ng kuwento niya nu’ng gustung-gusto na niyang magwiwi sa The American Church sa ­Paris.

“Grabe! Ito ang latest, sa tagal namin sa simbahan nu’ng kasal nina Vicki at Hayden huh huh huh, lalabas na iyung jingle ko. Layo ng CR, sabi ni Dyan Castillejo.

“Pasok ako sa isang room. Hanap sana ako ng CR pero walang tao. Nang may nakita akong maliit na basurahan, hitsura talagang ginawa ko siyang toilet bowl. Bongga!


“Hay, kundi basa sana ang suot kong formal pants at hitsura na wet look ako sa L’Opera Garnier, attend pa rin ako sa historical wedding, at sure ako nakaw-eksena sana ang wet pants ko.”

Hindi ko ma-imagine kung ano ang reaksyon ng mga Pranses kapag makita nila sa CCTV na inihian ni Manay Lolit ang basurahan nila.

Manghang-mangha pa naman sila sa bonggang kasalang iyun na hindi sila makapaniwa­lang Pinoy couple ang nagpakasal sa napakasos­yal na venue ng Paris, tapos, basta na lang inihian ng isang guest ang basu­rahan nila?

Marami sa followers ni Manay Lolit ang naaliw sa ‘wiwi kuwento’ niya.

Kaya baka isa sa mga araw na ito, may magre­galo na sa kanya ng sangkatutak na adult diapers.

[Read full: AbanteTonite]

No comments:

Post a Comment