Search

Limang Maute, bulagta sa sa panibagong engkwentro sa Marawi City


Panibagong limang miyembro ng Maute, patay sa engkwentro sa Marawi City

Lima pang terorista na kasapi ng Maute Group ang nasawi matapos makaengkwentro ang marines special operations group sa ilalim ng Joint Task Group Tiger kaninang madaling araw sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Colonel Jo Ar Herrera, tagapagsalita ng fourth infantry division ng Philippine Army, ala-una disi nuwebe kaninang madaling araw nang makaengkwentro ng militar ang mga terorista.


Sa sagupaan, lima agad ang nasawi, apat ang body count habang dalawa lamang ang nakuha ng militar.

More: Mayor Vicente Loot invites Espenido as police chief of Daanbantayan, received 'bible verses' response from Chief Insp.

Paliwanag ni Herrera, hindi na nakuha ang ibang bangkay dahil sa masyadong mapanganib na lugar.

Nakarekober din aniya ang military ng dalawang matataas na kalibre ng baril at night vision goggle.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa hanay ng militar.

[Read more: RMN]

Watch: Pres. Duterte, bumisita sa Marawi sa ika-4 na pagkakataon

No comments:

Post a Comment