Suportado sa kamara: Anti-Epal bill ni Pacquiao


Anti-Epal bill ni Pacquiao kumabig ng suporta

Suportado ng ilang mambabatas sa Kamara ang pagbuhay muli sa Senado ni Sen. Manny Pacquiao ng Anti-Epal bill.

Ayon kay CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna, nararapat na maisabatas ang ganitong panukala dahil marami pa rin pulitiko ang hindi nadadala at patuloy na binabalandara ang kanilang mga mukha sa mga proyekto.


Aniya, panahon na para gisingin ang ilang mga pulitiko na ang mga government project and programs ay pondo ng taumbayan at hindi ng mga pulitiko.

Watch: Photographer denede at kinain ang private parts ni model: Raffy Tulfo nagalit!

Gayundin ang posisyon ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin. Tama lang din umano ang pagbabawal sa mga epal na pulitiko dahil unethical na maituturing ang ginagawa ng maraming pulitiko na inilalagay ang pangalan sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.

Pero para kay Deputy Speaker Miro Quimbo, hindi na kailangan isabatas ang Anti-Epal bill para lang maiwasan ang mga ganitong klase ng mga pulitiko.

More: Bomb expert of NPA and Anak Pawis member, busted!

Payo ni Quimbo, ipaubaya na lamang sa publiko ang paghahatol sa mga epal politicians sa pamamagitan ng pag-educate sa mga tao at hindi pagboto sa mga ito.

[Read more: AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment