Resbak ni Faeldon kay Lacson: "Your son smuggling billions of cement, you are also a smuggler!


RUMESBAK KAY LACSON | Nicanor Faeldon: Ito ang kinakatakutan mo Sir, kasi we are getting close to exposing you… you are also a smuggler!

Bumuwelta kanina si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon mula sa mga alegasyon sa kanya ni Senator Panfilo Lacson kahapon tungkol sa umano’y natatanggap niyang “tara” sa Customs.

Sa isang press conference kanina, mariing itinanggi ni Faeldon na tumanggap siya ng “tara” sa loob ng kanyang pamumuno sa Bureau of Customs. Giit niya, hindi raw siya kundi si Senator Lacson ang sangkot sa korapsiyon.


Ang kumpanya raw na “Buon Giorno” na pag-aari ng anak ng senador na si Panfilo Lacson Jr. ang umano’y numero unong smuggler ng semento sa bansa.

More: Acosta criticized Hontiveros for refusing to turn over the custody of Kian slay witnesses

“Ang halaga nito in pesos, kapag  ibinenta natin itong semento 34 million pesos, anong violation niya? Siyempre this is smuggling, 50% less ba naman yung babayaran mo sa duties mo under the Republic Act 7394, ano mang produktong iimport mo dapat yung labeling niya ay nakapangalan sayo. Yung kumpanya nila, iba, pangalawang violation yun! This is just 12 days after I assumed office. During my 13th day in the office, ni-recommend na i-alert ang another ship ng semento, ang violation ganun din. 2 days after that july 15, may isa na namang barko, yung pangatlo inalert ko na naman pumunta ulit the same person under same violation… ang total nung tatlong barko ay P600-M sa tatlong araw lang, may-ari nito is a senator today,” sabi ni Faeldon.

“Ang nagpakilalang may-ari ay si Panfilo Lacson Jr., yung company niya Buon Giorno, itong Buon Giorno ang capital lang niya noong 2015 ay P20,000 paano niya ma-afford ang P600-M nung tatlong barko in just 3 days? pinacheck ko sa system, when i assumed office, 67 na barko ang pinarating ni Lacson Jr.,” dagdag pa ni Faeldon.

Ayon pa kay Faeldon, ito raw ang dapat imbestigahan at may mga hawak siyang ebidensiya para patunayan ito sa korte.

“Tanungin niyo rin si Buon Giorno, magkano na ba binayaran niyong tax sa dami ng sementong ipinasok niyo? Iyong sinasabi ni Sen. Ping Lacson na may mga player, ito tanong ko sa’yo senator, player ka ba? Ito ang kinakatakutan mo Sir, kasi we are getting close to exposing you. Kapag hindi nagtugma yan, you are also a smuggler Sen. Lacson. Dapat Sen. Lacson, alam mo ang ginagawa ng anak mo,” ayon kay Faeldon.


More: Father, arrested for abusing his 4 daughters aged 5 to 15 years-old, 'two of them believed to be pregnant'

“In any court dapat imbestigahan natin ito, because this is a smuggling of cement by the billions of a high-ranking official… I texted you several times that I want the truth to come out… according to the Cement Association of the Philippines, Buon Giorno is the no. 1 cement smuggler… you have to disprove that you own this, computer parts lang ini-import pero semento ini-import mo!” giit ni Faeldon.

Pakiusap rin ni Faeldon kay Sen. Lacson, huwag idawit ang kanyang pangalan at ang iba pang inosenteng tao para sa kanyang pansariling interes.

Samantala, naglabas naman ng isang statement si Senator Lacson sa mga ibinatong alegasyon sa kanya ni Faeldon lalo na ang tungkol sa pagiging smuggler umano ng semento ng kanyang anak na si Pampi.

“First, I have nothing to do with my son’s business activities; second, there is no smuggling of cement as it is not subject to customs tariff and duties but only subject to VAT, which my son said when I checked with him just now, they always pay; third, he should have filed charges against my son if he now says, he’s into smuggling; fourth, it doesn’t make sense that I will expose the shenanigans in the BOC, if my son is cheating on taxes as Faeldon is now accusing him of,” ayon kay Lacson.

“The logical thing for me to do is not to make the expose’ and just keep quiet. For the record, I have always reminded my son to be on the level in whatever business dealings he would have because if not, I’ll be the first one to castigate him and even initiate filing of charges against him,” dagdag pa niya.

[Read full: NewsTV5]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment