Search

Privilege speech ni Trillanes ibinida ang pagpapalaya sa naka kulong na si de Lima


Hinimok ni Sen. Antonio Trillanes ang kaniyang mga kasamahan sa Senado na “ituwid ang pagkakamali” na pagpapakulong sa “inosenteng” si Sen. Leila de Lima.

Inihain ni Trillanes sa kaniyang privilege speech ang mga butas-butas na basehan sa pag-ugnay kay  de Lima sa ilegal na droga.

Aniya biktima ang senadora ng political persecution.



HAPPENING NOW: Sen. Antonio "Sonny" Trillanes IV delivers a privilege speech at the Senate. www.cnn.ph Highlights: - Trillanes: De Lima's 6-month detention difficult for someone innocent - Trillanes appeals to colleagues to call for De Lima's freedom - Trillanes: No overt action to merit De Lima's detention - Trillanes: De Lima is not a criminal - Trillanes: De Lima's detention a case of political persecution - Trillanes questions witnesses in House drug probe - Trillanes slams evidence used to jail Sen. Leila de Lima - Trillanes: There are no more major drug raids being conducted at New Bilibid Prison
Posted by CNN Philippines on Wednesday, August 30, 2017

" I rise on a matter of privilege to talk about the plight of our colleague, Senator Leila De Lima.
Nung nakaraang Pebrero o mahigit anim na buwan na ang nakalipas, Si Senator De Lima ay ikinulong sa Camp Crame. Ito ay bunga ng mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay diumano sa illegal drugs. Pero ilang buwan bago ang kanyang pagkaaresto, siya ay binastos, minura, tinakot, hinarass, at niyurakan ang kanyang pagkatao ni Duterte at ng kanyang mga alipores.

Ngunit anu-ano nga ba ang basehan ng mga paratang sa kanya?

Una, ang mga testimonya laban sa kanya ng mga bilanggo sa Bilibid;

Ikalawa, ang testimonya laban sa kanya ni former Bureau of Corrections Chief Rafael Ragos;

Ikatlo, ang testimonya laban sa kanya ni convicted Drug Lord Kerwin Espinosa;

Ikaapat, ang testimonya laban sa kanya ni Ronnie Dayan.

Hihimayin natin isa-isa yan. Pero bago yan, ilalahad ko muna ang maikling background tungkol dito.

1. Bago naupo bilang presidente si Duterte, wala ni isang intelligence report man lang ng PDEA, NBI, PNP o AFP ang nagsasabing may kinalaman si Sen. De Lima sa ilegal na droga. Si Duterte lang, nung siya na ang nadeklarang nanalo sa election, ang nagsimulang magparatang sa kanya na siya ay isang Drug Queen diumano ng Bilibid, without even citing any source.

2. Para sa kaalaman ng lahat, si Sen. De Lima ang kauna-unahang Secretary of Justice sa kasaysayan na naglakas loob na i-raid ang illegal drug operations sa Bilibid. Ginawa ito nung December 14, 2014, kasama ang mga elemento ng NBI, PDEA, PNP at ISAFP at dito na nga nadiskubre ang magarbong lifestyle ng mga convicted druglords sa loob ng Bilibid. Doon na nga nakita ang mga limpak-limpak na pera, droga, baril, pati na Jacuzzi, recording studio at mga mala-hotel na kwarto sa loob ng mga kubol. Sinundan pa ng mga tatlo pang raids personally led by Sec. De Lima na tuluyan na nag-baklas ng mga kubol. Again, for the record, lahat ng ito ay nabunyag nung panahon ni Sec. De Lima sa DOJ, contrary sa propaganda ng Duterte administration na pinabayaan ito nung panahon niya. Kaya rin naman matindi ang galit ng mga convicted druglords sa kanya dahil dito.

Ngayon, base sa report mismo ni Secretary Aguirre at ng PDEA, nagbalik na muli ang drug trade sa bilibid. Katibayan na hindi si Sen. De Lima ang Drug Queen doon o saan man. In fact, sa mahigit na isang taon sa pwesto ni Aguirre, wala pa rin silang nadiskubre na shabu laboratory na sinasabi nila noon na nag-ooperate daw sa Bilibid. Sa totoo lang, wala nang ginagawang mga malakihang raids ngayon sa Bilibid.

3. Base sa kasong isinampa, wala ni isang gramo ng droga at wala ni piso na pera ang naipresentang ebidensya. Ang mga ito dapat ang kailangang ebidensya sa isang kasong illegal drug trading. Kung wala naman, dapat bribery o extortion ang kasong isinampa. However, these are bailable crimes within the primary jurisdiction of the Ombudsman, kaya hindi ito ang ifinile na kaso.

4. Ang mga pangunahing ebidensya na ginamit ay puro testimonya lamang ng mga bilanggo at isang picture.


Ngayon, isa-isahin natin ang mga naipresenta:

1. Ang mga testimonya ng mga bilanggo. Una, ang mga ito ay maliwanag na coerced or compromised witnesses. Lahat sila ay pinangakuan ng mga privileges sa kulungan kapalit ng kanilang scripted testimonies laban kay Senator De Lima. Ito ay pinatunayan ng isang nadiskubreng BuCor memo na maliwanag na nakasaad ang kondisyong ito. (See slide) Ang iba naman na hindi pumayag tumestigo ay sinaksak at pinatay. (See article). Pangalawa, doon sa hearings sa Kongreso, scripted na nga ang testimonies, magkakasalungat pa ang mga testimonya ng mga druglords, particularly, sina Herbert Colangco at JB Sebastian. Ang sabi ni Colangco, si Ronnie Dayan daw ang bagman ni Sen. De Lima. Habang sabi naman ni JB Sebastian, si Jonel Santos naman daw ang bagman at hindi daw niya kilala si Ronnie Dayan. Pangatlo, sabi ni JB Sebastian, nag abot daw sya mismo ng 2 million pesos kay Sen. De Lima nung ito ay bumisita sa opisina ng BuCor Chief, sa harap ng ilang mga tao kasama na ang mga gwardya ng BuCor, security at staff ni then Secretary De Lima. Do you expect us to believe na wala man lang nag inspect o nagtanong man lang kung ano ang laman nung kahon na ibibigay ng isang bilanggo sa isang Secretary of Justice sa loob ng Bilibid? Anyway, kung ikaw nga naman din si JB Sebastian, pagkatapos ka saksakin ng ilang beses, palagay ko kahit anong kwento ang gusto nilang ipasabi sayo, sasabihin mo na lang. Pangapat, gaya ng nasabi ko, karamihan sa kanila ay may tanim na galit laban kay Sen. De Lima dahil sa mga raids na ginawa niya nung siya ay Secretary of Justice pa.

2. Ang testimonya ni former BuCor Chief Ragos. Maliwanag sa salaysay ni Ragos na hindi niya alam kung kanino galing ang 5 million pesos na binigay daw niya kay Sen. De Lima through a certain Ablen. Paggising daw niya sa kanyang kwarto, ay nandun na yung bag na puno ng pera at may instructions daw sa papel na ibigay kay Sen. De Lima. Kung totoo man itong napakalabong storyang ito, sino naman ang nag conclude na galing ito sa druglord?

3. Ang testimonya ni Kerwin Espinosa. Una, sabi ni Kerwin Espinosa, siya raw ay nagbigay ng protection money kay Sen. De Lima nung November 2015. Protection para saan? Eh, nagresign na siya nung October 2015 pa lang kasi nag hain na siya ng kandidatura sa pagka Senador. Sabi pa ni Kerwin Espinosa, ang katibayan niya ay yung picture nila sa Burnham Park sa Baguio City. Alam niyo po, walang politiko o kandidato ang magpapapicture sa isang drug lord kung kilala nyang drug lord ito. At lalo nang hindi ka magpapapicture sa isang public place like Burnham Park kung meron kang ilegal na transaction. Common sense lang naman yan. (show pictures). Pero kung ikaw din naman si Kerwin Espinosa, pagkatapos patayin ung tatay mo sa loob ng kulungan, palagay ko lahat ng gusto nila ipakwento sayo, ay sasabihin mo na lang.

4. Ang testimonya ni Ronnie Dayan. Simple lang ang mga butas sa testimonya ni Ronnie Dayan. Nung una ang sabi niya ay inabot sa kanya ni Kerwin Espinosa yung pera sa hotel parking area sa Baguio City. Pero nung pangalawang tanong na, sa Burham Park parking area naman na daw. Pangalawa, sabi ni Dayan, nangyari ang abutan ng pera nung November 2014. Salungat sa claim ni Kerwin Espinosa na nangyari daw ito nung November 2015. Maliwanag na nagkabuhol-buhol na ang script.


Ngayon, kung hindi totoo ang mga paratang sa kanya, bakit nga ba pinagdiskitahan at ipinakulong ni Duterte si Sen. De Lima? Meron akong naisip na tatlong posibilidad:

1. Ito ay isang paraan para balikan siya ni Duterte dahil sa pag-imbestiga niya dito bilang utak ng Davao Death Squad nung siya ay Mayor pa ng Davao City at si Senator De Lima naman ay Chairman ng Commission on Human Rights

2. Ito ay isang paraan para balikan siya ni Duterte sa pag-initiate ng Senate investigation ukol sa EJK.

3. It is supposed to create a chilling effect so other oppositionists would be afraid to stand up to him lest they end up facing trumped up charges like her.

Ultimately, this is a clear case of political persecution. Pero hindi lang po ako ang nagsasabi o naniniwala nito kundi ang ilan pang mga tanyag at highly credible institutions and organizations gaya ng: European Parliament, Human Rights Watch, Global Commission on Drug Policy, Amnesty International, InterParliamentary Union, Asia Catalyst at ASEAN Parliamentarians on Human Rights.

She was even named in Time Magazine’s 2017 Top 100 Most Influential People.

Gaya nating lahat, hindi perpekto si Sen. De Lima pero alam natin, deep in our hearts, na hindi siya involved sa illegal drugs at lalo nang hindi siya Drug Queen. Hindi po siya criminal para tratuhin na parang isang criminal. Mas doble ang hirap ng pagkakulong lalo na para sa isang babae at ina. Nung kami ng mga kasamahan kong sundalo ay nakulong sa pag-aklas sa gobyerno, despite our deep belief about the righteousness of our cause, we never pretended that we didn’t break the law. We just willingly faced the consequences of our actions. Pero si Senator De Lima, walang ginawang kahit ano man. Pinaratangan lang siya. There was no overt action done at all to merit her incarceration. Kung nagexpress tayo ng outrage sa pagpapalaya kay Supt. Marcos at kanyang mga kasamahan na maliwanag na nag-commit ng murder, dapat lalo tayong magalit sa ginawa at ginagawa kay Senator De Lima. By any established standard, that is injustice.

Kaya ang aking apela sa aking mga kasamahan dito sa Senado, panahon na para ituwid natin ang malaking pagkakamaling ito at sumama sa aking panawagan na palayain si Sen. Leila De Lima. Nananawagan din ako sa Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na mag-conduct ng hearing ukol sa mga paratang ng mga drug lords laban kay Senator De Lima nang sa ganun ay maipatawag sila dito at makita ng taong bayan kung papano ginamit ng Duterte administration ang mga bilanggo para gumawa ng istorya nang sa ganun ay makulong ang isang inosenteng tao na kalaban nila sa pulitika.

I know Senator De Lima may have offended some of you, personally, during her tenure as Secretary of Justice. I had my own run-ins with her when she opposed our amnesty then. Quite ironic because here I am now, standing by her; standing for her; fighting for her. Ganito rin ako makipaglaban para sa iba sa inyo nung nakaraan. Ganito tayo dapat sa isa’t isa, lalo na kung para sa tama. 6 months na siyang nakakulong, mabigat na parusa yan sa para isang taong walang pagkakasala. My colleagues, it’s time to do the right thing.

Nang binisita ko siya nitong nagdaang linggo sa Crame sa kanyang kaarawan, ang mensahe ko sa kanya ay ang mga pagsubok na ito ay lilipas din. Ako ay naniniwala na siya ay makakalayang muli, malilinis ang kanyang pangalan at higit sa lahat, siya ay makakapagsilbing muli sa ating bayan. There is no doubt about it, sooner rather than later, she will be freed. And this time with a purified soul, renewed vigor, more wisdom, a stronger spirit and a much clearer sense of purpose to serve our Country and people. When that day comes, I hope all of us here in this August chamber would be warmheartedly remembered by Senator Leila De Lima as among those who fought for her freedom.

Salamat po. "

[Source: PhilStar]

No comments:

Post a Comment