Pres. Duterte, pwedeng i-cover ng social media user na may 5k-followers - Malacañang


Social media user na may 5k followers puwede ng i-cover si Duterte

Papayagan na ng Malacañang ang mga social media practitioners o users na i-cover ang mga okasyon na dinadaluhan ni Pangulong Duterte pero dapat ay mayroon na silang 5,000 o mahigit pang followers.


Ito ay sa pamamagitan ng Department Order No. 15 na pinalabas ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nilagdaan noong Agosto 8.

 Layunin umano ng order na maipaabot sa mga mamamayan ang mga balita tungkol sa ginagawa ng Pangulo sa iba’t ibang social media.

More: Taytay Priest pointed gun and told not to accept "bookings" from other men – 13-year-old girl

“The purpose of this Order is to provide an interim system of accreditation for social media participation in the  coverage of special events attended by the President, in order to generate news and information for the citizenry through social media platforms,” pahayag ni Andanar.

Dapat ay 18 taong gulang pataas ang maaring mabigyan ng accreditation at hindi rin bababa sa 5,000 ang kaniyang followers.


Maaring magsumite ng kanilang aplikasyon ang mga kuwalipikado sa tanggapan ng PCOO sa New Executive Building sa loob ng Malacañang Compound.

Maari ring i-download ang aplikasyon para sa accreditation sa website ng PCOO.

Ang accreditation ay dadaan pa rin sa clearance ng Presidential Security Group (PSG).

Si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang sasala ng proseso ng accreditation.

[Read more: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment