NPA Kumander "Jasmin" arestado!


NPA KUMANDER ARESTADO!!!

KIDAPAWAN CITY-Arestado ang isang hinihinalang mataas na lider ng rebeldeng New People’s Army o NPA matapos itong mahuli ng otoridad sa kanilang area of Responsibility sa Kidapawan City.

More: High-value target ng ilegal na droga at 6 iba pa, tiklo!

Kinilala ang lider na isang Vicente Cañedo na kilala rin bilang Kumander Jasmin, nasa legal na edad.


Batay sa impormasyon mula sa Kidapawan PNP, nakipag-ugnayan sa kanila ang Magpet Municipal Police Station upang isilbi ang warrant of arrest laban sa target makaraang namataan ang presensya ni Kumander Jasmin sa bahagi ng nasabing lungsod kayat agad itong tinugunan.

Si Jasmine ay nahaharap sa kasong rebelyon na may criminal case # 3280-2015.

Sa ngayon nakatakda nang iturn-over ang suspek sa Magpet PNP.

[Source]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment