Menor de edad na miyembro ng 'Sukarap Gang' tinapos ng siyam na bala


1 MYEMBRO NG SUKARAP GANG, TINAPOS NG SIYAM NABALA!

KIDAPAWAN CITY | SIYAM na bala mula sa kalibre kuwarentay-singkong armas ang tumapos sa buhay ng isang dese syete anyos na binata makaraan itong pagbabarilin ng riding in tandem criminals mag-aalas otso kaninang umaga sa kahabaan ng Quezon Boulevard, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na isang Ismael Onghoc Igao, labing pitong taong gulang, walang trabaho, binata, may kinakasama, miyembro ng SUKARAP gang na residente ng Sitio Saranay, San Vicente, Makilala, North Cotabato.


Ang biktima ay nagtamo ng siyam na tama ng bala kung saan tatlo rito ay tumama sa kanyang dibdib, tatlo sa likurang bahagi, habang ang tatlo naman ay tumama sa kanyang kanang kamay.

More: Senate resumes hearing on the P6.4 billion shabu shipment from China

Sa imbistigasyon ng awtoridad habang naglalakad ang biktima sa tapat ng isang establisyemento upang mag-apply, bigla na lamang dumating ang di pa nakikilalang salarin sakay ng isang motorisklo at walang kaabog-abog na binaril ang biktima.

Sa panayam ng Brigada News Team sa kinakasama nitong menor de edad din na kinilalang si Jona Mae Tayabas, labing anim na taong gulang, residente naman ng Taran Subdivision Kidapawan City, sinabi nitong walang naging kaaway ang kanyang ka-live in subalit aminado itong dati nang nakulong ang biktima dahil sa curfew.

Watch: Lulong sa droga: Maraming beses na humalay ng mga inahing 'Baka' arestado

Todo tanggi naman ito sa paratang na kasapi ng naturang gang ang kanyang ka-live in, at inako rin nitong matagal na rin umanong binalaan ang biktima dahil sa mga kinasasangkutan subalit nagmatigas pa rin hanggang sa mabaril na nga kaninang umaga.

Isang taon at kalahati na umanong nagsasama ang dalawang menor de edad na nanirahan sa Brgy. Sudapin nitong lungsod.


Samantala sa panayam naman sa tiyuhin ng biktima na kinilalang si Jolito Igao, aminado itong miyembro ng SUKARAP gang ang kanyang pamangkin at matagal na umanong naging palaboy si Ismael sa kadahilanang hiwalay ang kanyang mga magulang.

Mayat-maya rin umano ang kanilang pagdidisplina sa biktima subalit hindi ito nakinig habang palipat-lipat ito ng tirahan hanggang mapasama sa nasabing gang.

Live interview ni Trillanes: 'Gordon, the most stupid chairman of the Blue Ribbon Committee'

Sa katunayan umano dalawang beses nang nakulong si Ismael at pinakahuli ay nitong linggo lamang maliban pa sa binunyag nitong mayroon itong patong sa ulo.

Malaki naman ang paniniwala ng mga kakilala ng biktma na may matinding galit ang mga pumatay dahil sa halos inubos ang isang magazine sa pagbaril sa kanya.

Tinitingnan ngayon kung may kinalaman ba sa mga kinasangkutang krimen ang motibo ng pangyayari habang inaalam ang tunay na salarin ng pamamaslang.

Sa ngayon nakalagak na sa isang punerarya ang labi ng biktima.

[Source: BrigadaFMKidapawan]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment