Search

Mayor Teodoro napikon dahil nakapag-piyansa ang Pari, ang 16-anyos na bugaw hindi


Pari na nag-booking ng 13-anyos na dalagita pinayagang magpiyansa

Pinayagan ng Marikina City Prosecutors Office na makapaglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya si Msgr. Arnel Lagarejos, ang paring nahuling nagpasok ng menor-de-edad na dalagita sa isang motel sa Marikina City noong Biyernes.

Habang ang 16-anyos na ‘bugaw’ na katransaksyon ng pari ay hindi pinayagang magpiyansa.

Sa resolusyong ipinalabas nina prosecutors Nikolai Salinas, Ricardo Paet Jr. at Linda Adame-Conos ng Marikina City prosecutors office, pinagpipiyansa ng halagang P120,000 si Fr. Lagarejos sa kasong violation of Anti Human Trafficking Act.

More: 17 menor de edad nasagip, 2 bugaw tiklo


Nanatili sa Marikina police detention cell ang pari habang inaayos ang mga dukumento at paglalagak nito ng bail.

Habang sa binatilyong bugaw ay walang piyansang inirekomenda ang piskalya dahil sa paglabag sa Human Trafficking Act matapos nitong ikalakal ang 13-anyos na dalagita.

Nasa custody ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lungsod ng Marikina ang 16-anyos na bugaw.

Dismayado si Marikina Mayor Marcy Teodoro at iba pang opisyal sa naging desisyon ng korte.

“No bail ang bugaw, nakakapikon…may nag-ayos na retired justice, pikon na pikon nga ako, inaasahan ko talaga ay no bail yun pari, pero ang bugaw ang no bail,” galit na pahayag ni Mayor Teodoro.

[Read more: AbanteTonite]

1 comment: