Search

Kilo-kilong shabu bistado sa raid ng NBI sa Sampaloc


Kilo-kilong shabu, nakuha sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila

Ni-raid ng mga operatiba ng NBI ang isang isang bahay sa Sampaloc, Maynila ngayong hapon.

Pinasok ng mga NBI ang Unit D ng townhouse na matatagpuan sa No. 1457 A Maceda St. Brgy 501 Zone 49.

Sa salaysay ng punong barangay na si Nicanor Padios, humingi sa kanilang tulong ang may-ari ng bahay dahil may natagpuan itong mga crate sa loob ng unit na inabandona ng 2 Taiwanese na umupa dito.


Read: Pres. Duterte, pwedeng i-cover ng social media user na may 5k-followers - MalacaƱang

Napansin ni Chairman Padios na karapareho ang nasabing mga crate sa nakita sa raid ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Valenzuela City.

Dito na isinumbong sa NBI ang mga crate na siyang nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon.

Dumating na rin sa lugar si PDEA NCR Director Wilkins Villanueva.

[Read full report]

No comments:

Post a Comment