Hontiveros, Pangilinan, Recto at iba pa, "konektado" kay Kenneth Dong na dawit sa P6.4B-shabu


Kenneth Dong na dawit sa kargamento ng shabu, 'konektado' sa ilang senador

Itinuro ng testigong si Mark Taguba si Kenneth Dong bilang "middleman" ni Richard Tan, ang Tsinong negosyanteng umano'y nakapaglusot sa Customs ng kargamentong may droga mula Tsina.

Ayon sa mga awtoridad, sa warehouse ni Tan natagpuan ang mahigit 600 kilo ng shabu noong Mayo.
Hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong papel ni Dong sa transaksiyon.


Taong 2013, nag-donate si Dong ng P3 milyon sa kampanya ni Risa Hontiveros sa pagka-senador.
Nag-donate naman ng P5 milyon si Dong nang muling tumakbo si Hontiveros noong 2016.

More: Taytay Priest pointed gun and told not to accept "bookings" from other men – 13-year-old girl

Nagbigay rin si Dong ng P3 milyon sa kampanya noong 2016 ni dating TESDA Director General Joel Villanueva.

Kapwa nakaupo ngayon bilang senador sina Hontiveros at Villanueva.
Noong 2013, ikinasal si Dong.

Naging ninong niya sa kasal sina Hontiveros, Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, Juan Miguel "Migz" Zubiri, Ralph Recto, at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel. Maging si General Danny Lim na minsa'y naupo bilang Deputy Customs Commissioner, ninong din ni Dong.

Possibleng makaharap ni Dong sa mga susunod na pagdinig ang kaniyang mga ninong, ninang, at tinulungan sa kampanya.


Miyembro ng blue ribbon committee sina Hontiveros at Zubiri habang ex-officio member si Recto.
Hindi naman miyembro si Villanueva pero dumadalo siya sa mga hearing.

Pero ayon kina Hontiveros, Zubiri, Villanueva, Pangilinan, Recto, Pimentel, at Lim, hindi sila malapit kay Dong.

Ayon kay Hontiveros, pinayuhan niyang humarap sa pagdinig si Dong nang mag-text ang inaanak sa kaniya.

Nanawagan din si Villanueva kay Dong na harapin ang mga alegasyon para malinis ang kaniyang pangalan at walang madamay na mga inosenteng opisyal ng gobyerno.

[Read full report]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment