High-value target ng ilegal na droga at 6 iba pa, tiklo!


High-value target, 6 iba pa, arestado sa buy-bust sa Negros

BACOLOD - Arestado sa isang buy-bust operation ang isa sa malalaking tulak ng droga sa rehiyon ng Negros at 6 pa niyang kasamahan, Miyerkoles.

Ayon kay Senior Supt. Jack Wanky, acting city police chief, agad dinakip ng mga pulis si Dindo Barcello at ang kasama niyang si Robert Jan Calderon matapos bentahan ang isang undercover agent ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa loob ng isang hotel.


Bukod sa ilegal na droga na nakubra mula sa buy-bust, 2 pang malalaking pakete ng shabu at isang kalibre .38 na revolver ang nakuha mula sa suspek.

Arestado rin ang 5 tao na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng kuwarto kung saan naka check-in si Barcello.

More: Duterte sa  Parojinog supporters: "Sumunod kayo at kayo ang isusunod ko"

Ayon kay Wanky, 10 sachet ng shabu ang nakuha mula sa mga kasama ni Barcello na pawang galing sa mga prominenteng pamilya dito sa Negros.

Ayon kay Wanky, naka-base sa Silay City sa Negros Occidental si Barcello, ngunit ang mga paninda nitong droga ay nakakarating sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng mga nasabat na ilegal na droga.

[Read more]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment