Search

75-anyos na lola naningil ng utang, patay sa gulpi ng durugistang live-in partner


Lola naningil ng utang inutas sa gulpi

CAVITE, Philippines – Natuluyang namatay ang 75-anyos na lola na naningil ng kanyang pautang matapos itong pagtulungang gulpihin at hatawin ng magka-live-in na sinasabing durugista sa Evangelista Street sa Barangay Talaba 4, Bacoor City, Cavite noong Huwebes ng umaga.


Unang naisugod sa St. Dominic Hospital bago inilipat sa Perpetual Hospital sa Las Piñas City ang biktimang si Erlinda Barron, self employed, ng #201 Aguinaldo Highway sa nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng mga tauhan ni SP01 Rodolfo “Boy” Arboleda ang magka-live-in na suspek na sina Mary Jane Canilang, 35; at Roy Balore, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

More: 3 menor de edad kalaboso, naaktohan nag pot session sa kalye

Base sa ulat ni SPO1 Ferdinand Cruz na nai­sumite sa Camp Panta­leon Garcia, pinuntahan ng biktima ang magka-live-in na sina Canilang at Balore para singilin sa pautang na P20,000 subalit katwiran walang pera na pambayad kaya nairita ang matanda na humantong sa mainitang pagtatalo.

Gayunman, minasama ng lalaki ang inasta ng matanda kaya pinagtulungang gulpihin ng mga suspek.


Bago tumakas ay nilinis pa ng mga suspek ang crime scene kabilang ang nagkalat na dugo sa sahig saka inihiga sa kama ang matanda  na animo’y natutulog.

Subalit nang usisain ng may-ari ng bahay na inuupahan ng magka-live-in ay namataang umaagos ang dugo mula sa kinaroroonan ng matanda kaya kaagad namang isinugod sa nasabing ospital subalit namatay din ito.

[Read more: PhilStar]

No comments:

Post a Comment