Sniper ng Militar nagkalat na sa Marawi laban sa tumatamlay na sniper ng Maute


Sniper vs. sniper: Militar, sumusugod, inaasinta ang mga natitirang lumalabang Maute

Kung dati rati’y sunod-sunod ang air strikes ng militar sa Marawi, ngayon, mas nakatutok na ang puwersa ng gobyerno sa pakikipagpalitan ng putok sa mga terorista.

Nasa pagitan na ng snipers ng militar at ng Maute ang labanan.

Look: Panibagong pag-atake ng NPA: P3-M halaga ng ari-arian sinunog

Nasa 50 gusaling dating hawak ng Maute ang nabawi na ng militar sa nakalipas na dalawang araw. Pero mayroon pa ring mga gusaling bukod sa mga sniper, may mga machine gun pa rin ang kalaban.


Kaya naman hindi pa rin masabi ng militar kung kailan matatapos ang bakbakan. Hindi pa rin matuloy-tuloy ang retrieval operations sa mga bangkay dahil sa malapitang labanan.

Nitong Martes, Hulyo 11, may nakuha na naman ang militar na limang machine gun mula sa kanilang kalaban. Aabot na sa 461 ang mga armas ng Maute na kanilang nakuha. [Source]

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment