Senior member ng ISIS-PH terror group arestado sa Sarangani


Senior member ng ISIS-inspired terror group na Ansa’r Al-Khilafa Ph, huli sa Sarangani

Mariing itinanggi ng nahuling fish vendor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12, sa Maasim, Sarangani, ang akusasyon na siya ay senior member ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-inspired terror group na Ansa’r Al-Khilafa Philippines (AKP).

Ito’y matapos ang ikinasang entrapment operation sa naturang lugar kung saan target si Morsalen Mashod, 45-anyos, may asawa at residente ng Crossing Nomoh, Barangay Kanalo, Maasim, Sarangani Province.

Iginiit ni Mashod na isa lamang siyang simpleng tindero ng isda sa kanilang lugar.

More: Maute-ISIS, ASG Reinforcement - Pimentel
Look: Hapilon hiding in Marawi mosque

Wala rin daw siyang kaugnayan kay Mohammad Jaafar Maguid alyas Tokboy, pati ang pagkakasangkot nito sa iligal na droga.


Inihayag ni PDEA-12 Regional Director Gil Cesario Castro na nakahanda na ang isasampang kaso laban kay Mashod, makaraang mabilhan ng isang sachet ng shabu at anim pang iba na narekober sa kaniyang posisyon.

Sinasabing si Mashod ang katiwala ni Tokboy na na-neutralize na lider ng AKP local terrorist group at ISIS sympathizer.

Brother-in-law din umano siya ng unang asawa ni Tokboy.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may standing warrant of arrest si Mashod sa kasong rape na inisyu noong January 2010, na pinapabulaanan din ng suspek.

Nabatid na kasalukuyan pang pinaghahanap ang mga natitira pang kasamahan ni Tokboy.

[Read more: BomboRadyo]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment