Panibagong pag-atake ng NPA: P3-M halaga ng ari-arian sinunog


P3-M ari-arian sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang salakayin ang contruction site sa Barangay Licabang, bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.


Sa ulat ni P/Chief Supt. Billy Beltran na naisumite sa Camp Crame, bandang alas- 8:30 ng gabi nang sumalakay ang mga rebelde sa Ramona Construction kung saan kaagad na binuhusan ng gasolina ang mga truck na nakaparada at mga heavy equipments.

Read later: 'Any day is a good day to die' - Pres. Duterte, ready to die for troops in Marawi City

Kabilang sa mga nawasak mga sasakyan ay ang puting Mitsubishi Canter (YEC 352), asul na Mitsubishi mini-dump truck, Isuzu dump truck (RHD 217).

Matapos ang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang panununog.

[Read more: PhilStar]

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment