Search

Maute 'child warrior': "Kailangan naming mamugot" - Para mag-graduate at may P15K-20K sweldo


Kailangan naming mamugot’ - Ayon sa Maute ‘child warrior’ ‘

MANILA, Philippines - Kailangan umanong makapugot ng ulo ang isang ‘child warrior’ na sinasanay ng mga Maute fighters bago sila maka-graduate.

Ito ang kuwento ng isa sa mga batang mandirigma bilang pagsubok para tulu­yang mapabilang sa grupo. Kailangan nilang mamugot ng sinumang iutos sa kanila. Kung hindi susunod, sila umano ang malalagot.

Batay sa pahayag ng 17-anyos na si ‘Faisal’, di niya tunay na pangalan, napasama siya sa Maute group na naghasik ng karahasan sa Marawi noong 10 anyos pa lamang siya.

Sinabi niya rin na bago pa sumiklab ang gulo, matagal na silang nakapagplanta ng mga supply ng bala sa iba’t ibang bahay sa lungsod.

Read later: Hinatulan: ISIS-follower na Fil-Am planong mag-masaker ng daan-daang katao

Nahuli si ‘Faisal’ sa isang kalapit na bayan ng Marawi. Isa umano siya sa mga tauhan ni Abdullah Maute na kabilang sa mga namuno sa pag-atake sa Marawi.

“Sabi nila, ‘sino magsama mag-jihad kasi lahat ng mga babae sa atin pinatay, lahat ng mga babae nating Muslim pinatay ng mga sundalo’, kaya sumama ako sa kanila,” ani Faisal sa ulat ng isang TV network.


Kuwento pa ng binatil­yo, naging bahagi siya ng grupong nangangasiwa sa ammunition o mga armas at balang ginagamit ng mga terorista sa bakbakan.

Kasama niya ang pin­san ni Abdullah na si Usman Maute, isa ring wanted.

Ani Faisal, bago pa man sumiklab ang gulo noong Mayo 23, nag-imbak na sila ng mga bala sa ilang bahay sa lungsod.

Pero ‘di nabanggit ng binatilyo kung ito’y may aktuwal na pahintulot ng mga may-ari ng bahay o patago nilang itinatanim ang mga balang gagamitin pala ng Maute kalaunan.

Dagdag pa ng binatilyo, wala pang 10 miyembro ng Maute ang nasa Marawi nang magsimula ang gulo noong Mayo 23.

Pero dumami ang mga nakikipaglaban nang sumama na ang ilang residente ng lungsod. Sumama rin ang mga presong pinakawalan ng Maute.

Sinusuwelduhan din sila ng mga terorista habang nagsasanay sa pakikidigma. Mas Malaki rin umano ang sinasahod nila oras na makapagtapos o maka-graduate.

“P15,000 kada buwan [suweldo]. Kapag mag-graduate ka, sabi ng trainor namin madadagdagan ng P5,000, magi­ging P20,000.”

[Read full: PhilStar]

No comments:

Post a Comment