'Malaking kawalan sa grupo': Abu Sayyaf member patay sa joint operation


Kasapi ng Abu Sayyaf kidnap for ransom group, patay sa joint operation sa Tawi-Tawi

ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf matapos ang inilunsad na joint operation ng militar at kapulisan sa may Barangay Kamagong, Bongao lalawigan ng Tawi-Tawi.

Inihayag ni Lieutenant General Carlito G. Galvez, Jr. ang commander na Western Mindanao Command na ang napatay na bandido ay nakilalang si Ibno Moro.

Nabatid na si Moro ay may standing warrant of arrest sa kasong murder at nasa number 8 sa listahan ng mga most wanted sa lalawigan ng Tawi-Tawi.


Ayon sa opisyal na isisilbi sana ng mga ootridad ang arrest warrant ni Moro pero una umano itong bumaril sa tropa ng pamahalaan na nagresulta sa palitan ng putok.

Read more: Most dangerous: The brains behind the Maute, ISIS, Abu Sayyaf fighting in Marawi

Base sa record ng otoridad, sangkot siya sa serye ng kidnapping at iba pang mga kriminalidad iba’t ibang mga lugar sa Tawi-Tawi.

Kabilang na dito ang nangyaring 1989 massacre sa Barangay Lapid-Lapid, Bongao; 2004 kidnapping kay Sibuto Mayor Kuyoh Pajiji ; 2002 kidnapping kay Alvin Chua sa Chinese Pier sa Bongao at ang 2004 murder kay Rodrigo Alejandro Sr. at kanyanganak na lalaki na si Rodrigo Alejandro, Jr. sa Barangay Buan, Panglima Sugala.

Sinabi ni Galvez na isang malaking kawalan para sa grupo ng teroristang Abu Sayyaf na nag-operate sa Tawi-Tawi ang pagkamatay ng nasabing notoryosong terorista.

“Given the key involvement of Moro in various kidnappings perpetrated by the Tawi-Tawi based Abu Sayyaf members, the neutralization of the notorious bandit is deemed a big blow on the Abu Sayyaf and kidnap for ransom group, which has faced substantial loss as a result of our intensified operations.”

[Source: BomboRadyo]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment