Duterte: Resbak ng ISIS asahan, wag magmagaling sa martial law tulad ni De Lima


Digong nagbabala sa ‘ganti’ ng ISIS

Nagbabala si Pangulong Duterte sa posibleng ‘ganti’ ng ISIS sa sandaling matapos na ng militar ang krisis sa Marawi City na sinimulan ng Maute group at grupo ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon noong Mayo 23.


“And the retaliatory moves of the ISIS, better keep watch. I’m not saying that it’s happening, but it will happen in the near future because of the inroads of ISIS into Min­danao,” sabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Duterte, hindi na kailangan ang paglahok ng mga civilian volunteer group upang tumulong sa pakikipaglaban sa Maute dahil kayang-kaya na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“I do not think at this time that we have to include the civilian sector. The last thing that I would want to happen is a communal war. ‘Yung mag-armas-armas na kanya-kanya. I know that some of the Christians are getting insecure and that is why a lot of them have been looking for heavy firearms. Pero sinabi ko sa mga gun store, “bawal”. You’re only limited to a 22 to a shotgun,” wika pa ni Duterte.

Read later: Duterte meets Renato Reyes in Malacañang: “Sige, rally muna kayo, tapos usap ulit tayo”


“But ‘yung offer na ‘yan would only add to the convoluted thing that’s happening now. Let the Armed Forces and the police deal with the problem. I know that they’re capable of doing it. And I said, they are winding up in Marawi except for a few snipers left behind. But I do not think that it would last a little longer than expected. ‘Yung anarchy and communal wars, they call it. Civil war,” dagdag pa ng Pangulo.

Winika pa ni Duterte, ang mga tumutuligsa sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ay dapat tumira sila sa Marawi City upang malaman nila ang peligrong dulot ng mga terorista.

“And baka nakalimutan ng mga tao diyan na mas bright. For example si de Lima, na bakit daw ‘yung ibang lugar? She forgot that Davao City suffered an explosion killing so many people. Those are really the pocket wars and they are fundamentally IS, ISIS. So hindi mo ma-control ‘to, just because the war has --- it’s about to be terminated. Akala nila safe na ang Mindanao,” sabi pa ni Duterte.

[Read more: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment