Search

Drug lord na High-value target bulagta ng manlaban


Hinihinalang drug lord patay nang manlaban umano sa pulisya

Patay ang tatlong lalaki kabilang ang isang hinihinalang drug lord nang manlaban umano ang mga ito habang naghahain ng search warrant ang pulisya sa isang bahay sa Barangay Pag-asa Quezon City, Linggo ng umaga.


Kinilala ang isa sa tatlong napatay na si Johnny de Leon, na umano'y drug lord ng Region 2 at may isang taon ding nagtago bago natunton ng mga awtoridad sa lungsod.


Ayon kay Quezon City Police Director Guillermo Eleazar, si De Leon, ay isang high-value target na subject ng search warrant.

Nang pasukin ang bahay na nasa loob ng isang compound ng town homes, nanlaban umano ang mga suspek at natamaan pa ni De Leon ang isang pulis na nakasuot ng protective gear.

Narekober sa apartment ang 3 baril, 6 na sachet ng hinihinalang shabu at iba pang personal items kasama ang passbook na may milyun-milyong transaction details.


Kasalukuyan pang kinikilala ang dalawang kasama ni De Leon. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

[Read more for updates]


No comments:

Post a Comment