Search

Dalawang matanda ginahasa ang 7-taong gulang na batang babae


7-TAONG GULANG, GINAHASA NG DALAWANG MATANDA

Batan, Aklan - ISINAMPA na ng Batan PNP ang kasong RAPE laban sa dalawang matandang karpentero na gumahasa sa 7 taong gulang na batang babae sa bayang ito.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rolando Aquino, 55 taong gulang na taga Brgy. Ipil, Batan at ang kumpare nitong si Moreto Javillo, 60 taong gulang na taga Brgy. Tibiao, Altavas, Aklan.

Nangyari ang karumal-dumal na krimen noong Linggo ng hapon sa bahay ng suspek na si Rolando.


Niyaya diumano ng suspek ang biktima sa bahay nito kung saan sila nag-iinuman ni Moreto.

Dinala ng mga ito ang bata sa kwarto at doon halin-hinang ginawa ang pangagahasa.

Watch: Viral: Tula, alay para sa kapwa sundalo sa Marawi

Tinakot pa nila ang biktima na huwag magsusumbong dahil papatayin nila ito.

Ngunit nagsumbong ang bata sa kanyang pamilya at nagpatulong sa Kapitan ng Brgy at agad naman itong ipinarating sa Batan Women and Childrens officers.

Agad na inaresto ang mga suspek na todo tanggi sa akusasyon.

Sa isinagawang medical examination sa biktima, positibong ginahasa ito.

[Source: RadyoTodo]

Watch video below:


Posted by Radyo Todo Aklan 88.5 FM on Wednesday, July 26, 2017

No comments:

Post a Comment