Search

'Any day is a good day to die' - Pres. Duterte, ready to die for troops in Marawi City


Pangulong Duterte, handang mamatay makapunta lamang sa Marawi City

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Marawi City kahit pa nagpapatuloy ang bakbakan doon.

Sa inilabas na video ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson, sinabi ni Dutrerte na hindi siya papayag na makarating lamang ng Marawi City kapag mapayapa na ang lahat.

Watch: Maute 'child warrior': "Kailangan naming mamugot" - Para mag-graduate at may P15K-20K sweldo


Ayon sa presidente, nais niyang ipakita at iparamdam sa mga sundalo at pulis na siya’y kaisa at hindi niya iiwanan ang mga ito sa gitna ng giyera at pakikipagpatayan sa mga terorista.

Dagdag pa ni Duterte, handa siya sa anumang mangyari dahil kung talagang panahon na niya, ay handa siyang mamatay makapunta lang ng Marawi City.

Huling nagtangka ang pangulo na makapunta sa conflict area noong nakaraang Biyernes at Sabado ngunit hindi nakatuloy dahil sa sama ng panahon.


TATAY DIGONG PUMUNTA SA MARAWI? Pangalawang beses na po na sinubukan ni Tatay Digong na pumunta ng Marawi ngunit hindi ito pinahihintulutan ng tadhana. Ito po ang dahilan.
Posted by MOCHA USON BLOG on Friday, July 7, 2017

[Read more]

No comments:

Post a Comment