Search

2 PSG convoy ni Pres. Duterte inambush ng NPA sa Davao-Bukidnon


Update: Nilinaw ng pamunuan ng Presidential Security Group (PSG) na engkuwentro at hindi ambush ang naganap sa pagitan ng PSG convoy at New People’s Army (NPA) sa Arakan, Cotabato kaninang pasado alas 6 ng umaga.


Sinabi ni PSG commander Brig. Gen. Louie Dagoy, nagtatag ng checkpoint ang NPA sa nasabing area at nang nahalatang mga sundalo ang sakay ng dalawang sasakyan, doon na nagkaputukan.

Ayon pa kay Dagoy, batay rin sa kanilang opisyal na bilang, apat ng miyembro ng PSG ang sugatan sa engkuwentro.

More: Alleged 'planted bombs' in DepEd Cebu and several public school

Inihayag pa ni Dagoy na regular movement lamang ito kung saan papalitan ng tropa ng PSG administrative office ang mga nasa Cagayan de Oro City at hindi para sa ispesipikong event ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala naman daw itong epekto sa lakad ni Pangulong Duterte sa Mindanao.


Sa ngayon hindi pa raw nasabihan ang pangulo na ngayon ay nasa Davao City dahil kasalukuyan pang nagpapahinga.

[Source: BomboRadyo]


PSG ni President Rodrigo Duterte gi ambush sa NPA, Davao- Bukidnon Road, Crossing Gambudes, Arakan North Cotabato
Posted by Brigada News Davao on Tuesday, July 18, 2017

No comments:

Post a Comment