19 improvised explosive device ng komunista gagamitin sa SONA nabisto


19 na improvised explosive device na plano umanong gamitin para manggulo sa SONA, na-recover sa Samar!

Samar – 19 anti-personnel Improvises Explosive Devices at iba pang IED paraphernalia ang narekover ng pinagsanib na pwersa ng 801st Infantry Brigade at 87th Infantry Battalion at iba pang intelligence unit sa isinagawang strike operation sa Barangay Guirang, Basey, Samar.


Ayon sa nakuhang impormasyon ng RMN Tacloban, na ang mga bomba daw ay gagamitin ng mga komunistang grupo sa pagsagawa ng taktikal na operasyon, bago o pagkatapos ng state of the nation address ni Presidente Rodrigo Duterte sa Hulyo 24, upang magdala ng pagka-alarma at atensyon kontra sa administrasyon at gamitin laban sa militar at mga kapulisan sa Basey, Samar.

Nagpasalamat naman ang militar sa pakikipagtulungan ng komunidad ng nasabing lugar na naging resulta ng matagumpay napagrekover sa mga IED.

[Source: RMN]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment