Search

17 menor de edad nasagip, 2 bugaw tiklo


2 bugaw timbog ng NBI, 17 minor nasagip

Arestado ang dalawang ‘‘bugaw’’ habang 17 dalagi­ta ang naisalba ng mga ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa sindikato ng human trafficking na nag-aalok ng pa­nanda­liang aliw sa isinagawang entrapment operation sa isang resort sa Caloocan City, kamakalawa.


Kinilala ang nadakip na mga suspek na sina Glady Dulot at Cherry Ann Lascano na kapwa isasailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) dahil sa pag­labag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act, as amended) at R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Ayon kay NBI Director Dante A. Gierran, nang ma­tanggap nila ang impormas­yon kaugnay sa sex trade ng sindikato ay agad niyang inatasan ang NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) na beripikahin ang report.

More: Dalawang matanda ginahasa ang 7-taong gulang na batang babae
Dad, raped his 9-month-old baby girl - arrested
Timbog si Padre: Menor de edad aabusohin sana

Nagawang makipag-transaksiyon ng ilang opera­tiba sa mga suspek sa kasundu­ang mamimili sila ng babae na dadalhin sa isang resort sa Caloocan.

Kinagat din ng NBI ang alok ng mga suspek na ang presyo ng mapipiling menor de edad ay babayaran ng P6,000 kada isa habang ang matitira ay bibigyan din ng consolation na tig P1,000.


Nitong Huwebes ng gabi  (Hulyo 27)  ang petsang napagkasunduan, nagdala ng 17 dalagita ang mga suspek na sina Dulot at Lascano sa private resort (hindi tinukoy ang pangalan ng resort) sa Caloocan City na lingid sa kanila ay nakapwesto na ang iba pang operatiba ng NBI kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa assesment ng DSWD, lahat ay menor de edad at ang pinakabata ay nasa 13-anyos habang 17- anyos ang pinakamatanda.

Patuloy pang iniimbestigahan ang mga suspek para matunton pa ang iba pa nilang kasabwat.

[Source: PhilStar]


BISTADO !!
Posted by Pinoy muna on Friday, July 28, 2017

No comments:

Post a Comment