Trillanes, Alejano pakapalang inireklamo si Duterte sa ICC Martial Law isiningit


Trillanes, Alejano inireklamo si Duterte sa ICC

Naghain sina Sen. Antonio Trillanes at Magdalo Rep. Gary Alejano ng Supplemental Communication sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kanilang iginiit sa nasabing dokumento na kailangan nang magkaroon ng preliminary examanition hinggil sa martial law declaration ng punong ehikutibo sa buong Mindanao, gayundin sa nangyayaring patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Inihain nina Trillanes at Alejano ang 45-pahinang supplemental communication sa The Hague, Netherlands mahigit isang buwan matapos na inihain naman ni Atty. Jude Sabio ang reklamo nito laban kay Pangulong Duterte.


Si Sabio ay abogado ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato.

Magugunita na inakusahan ni Sabio si Pangulong Duterte ng crimes against humanity sa gitna ng war against drugs ng pamahalaan.

Iginiit nina Trillanes at Alejano na matapos maihain ang communication ni Sabio, patuloy pa rin ang pagdanas ng dugo sa Pilipinas, at wala raw “genuine effort” na makikita mula sa gobyerno para imbestigahan ang nasabing mga pagpatay, dahilan para masabi raw na state-sponsored talaga ang mga ito at national policy ni Pangulong Duterte.

Hinimok ng dalawang mambabatas si ICC Prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng preliminary examiniation sa sitwasyon ng Pilipinas sapagkat hindi naman umano willing ang gobyerno na siyasatin ang mga ito at panagutin ang punong ehikutibo.

Maliban dito, hindi na rin daw maaring gamitin ang impeachment para mapanagot si Pangulong Duterte sa mga krimen na nagawa nito, makaraang ibinasura ito ng Kamara.

“This apparent impunity on the part of the main perpetrator/ accused, President Duterte, is borne by his confidence that he will never be held accountable by the institutions (of checks and balance) since they are also under his control,” bahagi ng reklamo nina Trillanes at Alejano.

Samantala, kabilang din ang 11 opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga nais na mapanagot nina Trillanes at Alejano dahil daw sa pag-utos o pag-facilitate sa implimentasyon ng Oplan Tokhang.

Ang mga pulis na ito ay sina Police Chief Superintendent Joel Coronel, Police Chief Superintendent Jesus Martirez, Police Chief inspector Rexson Layug, Police Senior Inspector Nathaniel Jacob, Police Senior Inspector Magdalino Pimentel, Jr., Police Inspector Markson S. Almeranez, SPO3 Jonathan Bautista, PO3 Ronald Buad Alvarez, PO1 Sherwin Mipa, Police Officer Edmar Latagan, and Police Officer Marcelino Pedrozo III. [Read in full: BomboRadyo]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment