Pag walang kurap, maaasahan: 'Affordable E-Trike papasada na'


E-trike papasada na sa ilang subdivision sa Parañaque

MANILA, Philippines - Para iwas pollution at makatulong sa kalikasan, mga E-tricycle na ang papasada sa ilang subdivision sa Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa daan-daang environmentally friendly tricycle ang papasada na sa ilang mga subdivision sa lungsod.

Watch later: Taxi Driver: Lasing na babae ineskoran sa Motel

Nabatid sa alkade, nang ipanukala ang naturang pro­yekto ay katuwang nila ang pangulo ng Global City Mobility Service Philippines Inc. (GMS Phils.) na si To­kushi Nakashima at ang pangulo ng Federation of Parañaque Tricycle Operators and Drivers Association (FEDPATODA) na si Marcelino Copia para maipatupad ito matapos na kanilang lagdaan ang isang memorandum of understanding (MOU).


Ayon kay Olivarez, nabatid na ang GMS Phils ay isang Information and Communication Technology (ICT) vehicle venture company na nagpapakilala sa mga E-tricycles bilang makabagong uri ng tranpostasyon para sa kasalukuyang henerasyon, na gumagamit ng pinakabagong mobility-cloud connecting system (MCCS).

Kung saan naturang mga behikulo ay  makakatulong sa kalikasan at hindi ito magiging sanhi ng pollution.

Bukod sa environmentally friendly ang naturang mga E-tricycle, affordable ito sa mga tsuper, dahil mura nila itong mahuhulugan, na nasa P160 kada araw at sa loob ng tatlong taong bayad ay magiging pag-aari na nila ito.

[Source: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment