Search

Maute-ISIS, ASG Reinforcement - Pimentel


DAGDAG-PUWERSA NG MAUTE AT ASG KINATATAKUTAN

Iginiit ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkakaroon ng reinforcement ang Maute at Abu Sayyaf Group (ASG) kapag tumagal pa ang military operation sa Marawi City.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangang tapusin na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdurog sa Maute at Abu Sayyaf Group sa Marawi City sa lalong madaling panahon bago pa man sumaklolo ang kanilang kaalyadong puwersa, hindi lamang sa Mindanao kundi sa ibang bansa.

“This is why the Armed Forces should swiftly demolish the terrorists in Marawi  and nip the problem in the bud  before it develops into something larger,” ani Pimentel.

Masyado umanong mapanganib na tumagal pa ang giyera sa Marawi City dahil hindi imposible na magkaroon umano ang mga terorista ng reinforcement mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.


Mas nakakatakot umano kung sumaklolo na ang mga international terrorist sa Maute at ASG kaya nararapat lamang umano na tapusin na ng militar ang mga kalaban habang maaga.

“We do not want the clashes there to drag out, because this is precisely what the enemy wants. The longer the fighting, the more they’ll be celebrated before the eyes of IS followers abroad who might be roused to join a warped glorious struggle in Mindanao,” ayon pa kay Pimentel.

Ngayon ang ika-17 araw ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan sa Maute at Abu Sayyaf Group sa Marawi City matapos okupahan ng mga terorista ang lungsod noong Mayo 23.

Ipinaalala ng mambabatas ang situwasyon sa Syria at Iraq kung saan nagkaroon ang mga Islamic State (IS) ng reinforcement mula sa iba’t ibang panig ng mundo partikular na sa Europa.

Hindi umano dapat itong mangyari sa Marawi City kaya dapat durugin ang mga kalaban at tapusin na ang giyera sa lalong madaling panahon. [Read more: AbanteTonite]

No comments:

Post a Comment