Search

Hirit ni Trillanes kay Digong: 'Lunukin mo ang pride mo at magpasalamat!'


Pinayuhan ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pakikipag-mataasan sa Amerika at ibaba ang kanyang ‘pride’ para sa kapakanan ng bansa.

Mistula itong pasaring ni Trillanes sa tila patay-malisyang asta ng Pangulo sa tulong na ibinibigay ng US government sa mga sundalong nakikipaglaban sa teroristang grupo sa Marawi City.

Ayon kay Trillanes, ang tulong ng US ay isang welcome development na dapat na ipagpasalamat ni Duterte.


“Duterte should just swallow his pride and be grateful about,” ani Trillanes.

Sa tulong aniya ng US, mabibigyan ng tamang tactical intelligence ang tropa ng pamahalaan laban sa Maute terror group, Abu Sayyaf Group at BIFF at upang hindi na rin lumaki ang casualty sa panig ng mga sibilyan at government forces.

“The assistance provided by the US forces in the current conflict in Marawi is a welcome development. Our ground troops could avail of accurate tactical intel for a more effective operations which would also help minimize government casualties,” giit ng senador.

Source: AbanteTonite

No comments:

Post a Comment