Search

Duterte: 'Nasasaktan ako every time a Filipino is killed. I’m a president for peace'


Kalaban ng gobyerno ‘di mananalo – Digong

 Tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi mana­nalo ang mga kalaban ng gobyerno kahit ano pa ang gawin ng mga ito.

Ito ang ipinagmalaki ng Pangulo sa pagbisita nito kahapon sa 1st Mecha­nized Infantry Brigade sa Camp Leono, Tacurong City, Sultan Kudarat.


“The Filipino people are behind you (sundalo). I commend you for making a sacrifice in the line of duty,” sabi ng Pangulo sa mga sundalo.

Sabi ni Duterte, ka­yang-kaya ng gobyerno na durugin ang mga kalaban sa loob lamang ng 2 araw pero hindi ito magawa dahil may sinusunod na batas ang pamahalaan.

“Were it not for the fact that we are bound by rules, I could flatten Marawi in 2 days. In 24 hours, tapos ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

“As we retake Marawi, I call upon our troops to remain steadfast in protecting our people. Nasasaktan ako every time a Filipino is killed. I’m a president for peace,” paliwanag pa ni Duterte sa mga sundalo.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, pinayagan daw kasi ng mga Maranao na pumasok ang corrupt ideology ng mga extremists na Maute group sa Marawi City kung saan ay mayroon pang mga dayuhang terrorist na kasama ang nasabing grupo na naghasik ng terorismo sa lungsod.

Hinikayat din ni Du­terte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na ibaba ang ka­nilang armas at sumuko sa pamahalaan para ma­ging sundalo na lamang sila ng pamahalaan.


Idinagdag pa ni Du­terte, drug money ang ginagamit na pondo ng Maute sa kanilang inilun­sad na te­rorismo sa Marawi City dahil wala namang malaking pondo na ipinapadala ang ISIS sa kanila bagkus ay kay Ma. Christina Nobleza ipinapadala.

Samantala, siniguro din ng Pangulo sa mga sundalo na huwag silang mag-alala sa magiging kinabukasan ng kanilang mga anak dahil mayroong siguradong P20-B para sa edukasyon ng mga anak ng sundalo.

Nagbiro pa si Pa­ngu­long Duterte sa mga sundalo na huwag lamang silang lalapit sa kanya kapag nademanda ng ‘bigamy’.

“Kapag nademanda kayo ng bigamy, huwag kayong lumapit sa akin. Pareho tayo ng kasalanan,” dagdag pa ng commander-in-chief. [Read in full: PhilStar]

No comments:

Post a Comment