Basag ang ulo patay: 18-anyos Ni-rape, pumalag, pinukpok ng bato


18-anyos pumalag sa rape, pinukpok ng bato!

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines -  Duguan at basag ang ulo nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang 18-anyos na dalaga matapos umanong manlaban sa panggahasa ng isang lalaki habang papauwi na ng kanilang bahay sa Brgy. Guin-awayan, Placer, Masbate noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Elma Escasinas habang pinaghahanap ang tumakas na suspek na si Arthur Abanggan, 21 anyos, binata, mangingisda ng nasabing barangay.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4 ng madaling araw, nagla­lakad pauwi ang biktima mula sa magdamagang pakikipagsayaw sa benefit dance sa kalapit na barangay ng Quibrada nang daluhungin nang nakaabang na suspek.


Ayon sa nakasaksi, lu­maban umano ang dalaga sa panggagahasa ng suspek kaya pinagpupokpok siya ng bato sa ulo hanggang sa mamatay.

Ipinasailalim na sa vaginal swabbing ang kaselanan ng biktima upang malaman kung siya ay nagahasa habang inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

[Source: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment