72 kilos of illegal drugs worth P300M confiscated in Las Piñas warehouse

72 kilo ng shabu na itinatago sa mga kahon ng tuyo nadiskubre ng PNP Drug Enforcement Group at PDEA sa isang warehouse sa Tiongquiao St, Las Piñas. 

MAHIGIT P300M HALAGA NG SHABU, NASABAT SA LAS PIÑAS

Pitumpu't dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa naganap na pagsalakay sa isang warehouse sa Las Piñas City.

Ayon kay Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario, ang 'suspected shabu' ay tinatayang tumitimbang ng mahigit pitumpung kilo.

Tinatayang nagkakahalaga naman ito ng mahigit tatlong daan milyong piso.

Naganap ang operasyon sa Unit B Lot 5 Block 3 Tiongquiao St. Martinville Subd. Brgy Manuyo sa nasabing lungsod.

Sa ngayon ay sinusuri pa ang mga nakalap na ebidensya habang nasa lugar naman sina PNP Chief. Gen. Ronald "Bato" dela Rosa, SPD Director Apolinario at NCRPO Chief Police Dir. Oscar Albayalde.

WATCH BELOW:


72 kilo ng shabu na itinatago sa mga kahon ng tuyo nadiskubre ng PNP Drug Enforcement Group at PDEA sa isang warehouse sa Tiongquiao St, Las Piñas. May street value na P 360 Million ang nasabat na kontrabando na nagmula sa Taiwan at nadidistribute umano sa Visayas at Mindanao.


Source:
Gilbert Laguna
Perdez News5
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment