Search

Panibagong pagsabog sa Quiapo; 3 patay, iba sugatan!

Quiapo blast 2 - File photo AbanteTonite

Quiapo Blast 2; 3 patay, 4 sugatan


Tatlo katao ang kumpirmadong patay kabilang ang may hawak ng bomba, habang hindi bababa sa apat ang sugatan kabilang ang isang paslit sa nangyaring pagsabog kanina sa Norzagaray St., Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng mga nasawi at mga isinugod sa ospital.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang pagsabog kaninang alas 5:40 ng hapon sa Norzagaray St., ilang hakbang lang malapit sa Barbosa Police Community Precinct (PCP).

Napinsala din ng pagsabog ang isang establisyemneto na tindahan ng RTW.

Kinordon na ng mga tauhan ng MPD ang blast site at rumesponde ang ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD), Special and Weapons and Tactics (SWAT), at SOCO sa pangunguna nina MPD director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

Nasagawa na rin ng clearing operation ang EOD sa lugar upang matiyak na hindi na masundan ang pagsabog.


Sa inisyal na ulat, isang lalaki umano ang nakitang may dalang bomba at sa kanya umano ito sumabog.

Isa pang lalaki ang tinamaan at isang rider din ang nahagip ng pagsabog.

Kasalukuyan ang pangangalap ng impormasyon ng MPD sa mga nadamay sa pagsabog. [Source: AbanteTonite]

Watch video below:

JUST IN: Another explosion reported near the site of first explosion earlier in Quiapo, Manila. #SHARE
Posted by Tusok PH on Saturday, May 6, 2017

No comments:

Post a Comment