Ombudsman Morales haharangan si Napoles na maging state witness


Ombudsman haharangin ang pagiging state witness ni Napoles

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Office of the Ombudsman ngayong Martes na haharangin nila ang anumang planong gawing state witness ang negosyanteng si Janet Lim Napoles sa planong muling pagbubukas ng imbestigasyon sa pork barrel scam.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na ang Office of Special Prosecutor ang magdedesisyon kung magiging testigo si Napoles ngunit kailangan itong aprubahan ng korte.

Aniya hindi ito maaaring mangyari dahil si Napoles mismo ang isa sa mga umano’y nasa likod ng krimen.

Matapos maabswelto sa kasong serious illegal detention, inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pinag-iisipan nilang gawing state witness si Napoles dahil sa kaniyang mga nalalaman.

Wala namang pakialam si Morales sa hiwalay na imbestigasyon na gagawing ng opisina ni Aguirre.


Nito lamang ay humirit si Napoles na mailipat sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation dahil sa pangamba sa kaniyang buhay.

Hindi naman siya pinayagan ng Sandiganbayan bagkus ay pinaboran ang mosyon ng prosekusyon na ibalik siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. [Read more: PhilStar]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment