Dalawang NPA bulagta!


2 NPA tepok sa Zambo encounter

Dalawang rebeldeng New People’s Army ang nasawi habang dalawa pang civilian volunteers ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa Zamboanga Sibugay kahapon.

Napag-alaman na habang nagsasagawa ng mili­tary operation ang mga sundalo ng 44th Infantry Battalion, 102nd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division sa Barangay Guinoman, sa Diplaan, ay naka-engkuwentro ng mga ito ang mga rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng grupo nina Henry at Tibo ng SECOM Feliciano Bravo ng Western Minda­nao Regional Party Committee.

Pagkatapos ng bakbakan, narekober ng tropa ng pamahalaan ang mga katawan ng napatay at dinala sa Guinoman para kilalanin.

Narekober din sa encounter site ang isang AK47 Rifle at isang M16 Rifle.
[Read more: AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment