Bahagi ng Quiapo, Maynila, niyanig ng panibagong pagsabog!


Bag na inakalang bomba, pinasabog ng SWAT sa Quiapo

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa bahagi ng Quiapo, Maynila matapos respondehan ng mga tauhan ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division ang isang bag na hinihinalang naglalaman ng bomba sa may Gil Puyat, kanto ng Quezon Blvd., sa Quiapo Maynila.

Kinailangan pang gamitan ng bomb-detecting robot ng MPD-EOD ang naturang bag at idaan sa isang controlled explosion upang matukoy kung naglalaman ito ng naturang pampasabog.

Bago pasabugin, pinigil muna ng mga tauhan ng MPD ang daloy ng trapiko sa naturang lugar at pinatuloy lamang matapos ang operasyon.

Gayun-man, nang siyasatin ang nilalaman ng bag, nadiskubreng naglalaman lamang ito ng mga damit.

[Source: RadyoInquirer]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment