30 NPA vs Phil. Army sa Quezon; isa sundalo patay

File photo: AbanteTonite


NPA encounter sa Quezon, 1 sundalo patay


Nalagasan ng isa ang tropa ng Philippine Army matapos magka-engkwentro ang grupo ng New Peolples Army (NPA) kaninang umaga sa Infanta, Quezon.

Batay sa report ng Infanta Police, bandang 10:45 a.m. ng maganap ang engkwentro sa Sitio Little Baguio, Barangay Magsaysay.

Ayon kay Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng PA 2nd Infantry Division (ID), nagsasagawa ng combat operation ang dalawang squad ng Army sa ilalim ng isang 1st. Lt. Rabago ng mapalaban sa nasa 30 miyembro ng NPA.

Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ni Cpl. Niel Anthony Losendo.

Ayon sa mga residente malapit sa lugar, may mga sugatan din sa panig ng NPA na bitbit ng mga rebeldeng umatras sa bakbakan.

Nabatid kay Lt. Colonel Christopher Tampus, 1st IB commander, na nasa area ang mga sundalo dahil sa reklamo ng mga residente hinggil sa pang-aabuso umano ng mga NPA sa mga sibilyan katulad ng pangongotong. [AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment