Good news: Walong Kidnapper timbog sa Quezon City!


Iniharap sa media ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang walong nasakoteng kidnapper na kumidnap sa apat na miymbero ng pamilya sa sa Brgy. Tatalon sa Quezon City, kaninang hatinggabi.

Ang mga suspek ay nakialang sina Hernane Esperas Jr. y Balboa,38; Elmer Magdaraog y Molina, 45; Rosendo De Vera y Labayo, 44; Jovito Cervitillio, 50; Rocky Bautista y Yonsol, 51; ), Alfie Reyes y Sanchez, 35; Joel Habagat y Aporongao, 46; at Danilo Buenaventura y Mayor.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril na ginamit sa pagdukot sa apat na biktimang sina Arnel Claridad Lozada, Riza HortalinaTonaco, Disiderio Balasabas Bahat at Jose Ben Aguirre Mendiola.

Ayon sa ulat, alas-4:00 ng hapon kahapon (Biyernes, Apr 28) nang pasukin sila ng walong suspek sa kanilang bahay sa #10 Quezon Ave., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Puwersahan umano silang kinuha ng mga suspek at isinakay sa puting Toyota Hi-Ace (ABL-7381).

Buwenas na nakatakas ang isa sa mga biktima at nakahingi ng tulong sa nagpapatrolyang pulis kaya agad nasakote ang mga kidnapper.

Kakasuhan ang walong suspek ng trespassing, grave treat, illegal detention at illegal possession of firearms. [AbanteTonite]
Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment