6 Anyos na anak at kapatid, sinaksak ng ex-convict na Ama


6 ANYOS NA BATANG LALAKI, HINOSTAGE NG SARILING AMA; KAPATID NG BATA, SINAKSAK DIN!
Watch video below:

Maagang nabulabog ang mga residente ng Purok 13, Barangay Polonoling, sa Tupi, South Cotabato. Hinostage kasi ng isang ama ang sarili nitong anim na taong gulang na anak pasado alas-sais ng umaga, ika-13 araw ng Abril nitong taon.


Nagtagal ng higit apat na oras ang negosasyon, kung saan pinangunahan ito ng mismong alkalde ng Tupi, South Cotabato na si Mayor Reynaldo Tamayo at Provincial Director ng South Cotabato Police, P/Sr. Supt. Franklin Alvero.

Ayon kay Alvero, posible umanong away pamilya ang nag-udyok sa suspek na gawin ang naturang panghohostage, pasado alas-diyes ng umaga ng nasalba ng otoridad ang bata sa paggiba ng kanilang bahay, sinubukan din ng otoridad pakalmahin ang suspek ngunit ito'y nag matigas at sila'y napilitan na magpakita ng lakas upang mapigilan ang suspek.

Nagtamo ng malalim na sugat sa tiyan ang anim na taong gulang na batang biktima. Samantalang, nagtamo ng higit sampung sugat sa katawan ang sampung taong gulang na babaeng anak ng suspek, matapos umano itong pagsasaksakin din ng suspek.


Agaran namang dinala sa provincial hospital sa Koronadal City ang magkapatid na biktima. Nahaharap naman ngayon sa kasong 2 counts of frustrated parricide ang suspek at kasalukuyang hawak na ng Tupi Municipal Police Station.

Kinilala ang suspek na si John Fritz Escalada, 49 taong gulang na exconvict. [RondaBrigada]


Posted by All about the Philippines on Thursday, April 13, 2017



Posted by All about the Philippines on Thursday, April 13, 2017
Share on Google Plus

Loading...


1 comments: