Search

De Lima: Mga 'Hudas' sa buhay pinapatawad na


Ilang mga “Hudas” sa kanyang buhay pinatawad na ni De Lima


Dahil panahon ngayon ng kapatawaran, sinabi ni Sen. Leila De Lima na pinatawad na niya ang mga nanghudas sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkaka-kulong.

Sa kanyang sulat mula sa PNP Custodial Center, sinabi ni De Lima na pinatawad na niya ang mga nanakit sa kanya at ang mga nagbigay ng maling testimoniya laban sa kanya at ang kanyang tinutukoy ay sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Rafael Ragos.

Sinabi ng senadora na alam niya na may sariling kalbaryo ang tatlo at bumigay lang ang mga ito sa matinding pressures kanila.


Giit pa nito na alam niya na nadamay lang ang mga nag-akusa sa kanya at katulad niya ay biktima rin lang ang mga ito.

Noong nakaraang linggo ng palaspas ay dinalaw si De Lima ng ilan sa kanyang mga kaalyado sa pulitika sa pangunguna ni dating Pangulong Noynoy Aquino. [Source]

No comments:

Post a Comment