Search

CHR ni rescue at pinalaya ang 12 adik na nahuli sa big-time anti-drug ops`

Station 1 ng Manila Police District  - Source: RadyoInquirer


Nagulat at nagimbal ang mga abogado ng Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang isinagawang raid sa isang “secret cell” sa Station 1 ng Manila Police District kahapon sa Tondo.

Nasagip ng CHR ang 12 katao na nagsumbong na inaresto sila ng mga pulis ngunit wala namang kasong isinampa laban sa kanila, at wala namang record na makapagpapatunay na sila ay mga drug suspects.

Napag-alamang ang lihim na seldang ito ay nagsisilbing taguan umano para sa mga drug suspects na nahuhuli ng mga pulis, na sinisingil ng malalaking halaga ng pera upang mailabas ang mga ito mula sa pagkakatago sa secret cell.

Ayon kay CHR regional director Gilbert Boisner, hinala nila ay pinagdadampot lang ng mga pulis ang mga ito, at hindi rin nasa kanilang mga talaan ang paghuli nila sa mga ito.

Sa una ay itinanggi ni Raxabago Police Station commander Supt. Robert Domingo na mayroong nakatagong selda sa kanilang istasyon, ngunit dahil sa impormasyong ibinigay ng isang tipster, nagpatuloy ang CHR sa kanilang inspeksyon.

Ininspeksyon ng CHR ang isang book shelf sa istasyon, at saka kinatok ang kahoy na pader sa likod nito.

Doon na nila naulanigan na may tao sa likod nito, dahil may mga nagsigawan na naroon sila.

Sa likod ng nasabing shelf, makikita ang isang eskinita patungo sa isang madilim, masikip at walang bintana na piitan.


Labis na dismayado naman ang iba pang mga tauhan ng CHR sa kanilang nadatnan lalo’t maituturing talagang hindi makatao ang piitan na pinaglalagian ng mga naligtas na 12 katao.

Samantala, iginigiit ni Domingo na ang mga nakakulong sa lihim na selda ay pawang mga naaresto sa isang one time, big time anti-drug operations, at hindi nila basta maaring ihalo sa ibang mga drug suspects ang mga ito dahil inihahanda pa ang mga kaso laban sa kanila.

Mariin ding itinanggi ni Domingo na nangingikil umano ang kaniyang mga tauhan sa mga ikinukulong nilang drug suspects.

Ani Domingo, walang iregularidad sa kanilang mga ginagawa, at ginagamit lang niya ang espasyong ito sa likod ng nasabing bookshelf para hindi naman aniya masayang. [Source: RadyoInquirer]

No comments:

Post a Comment