Search

Bugbog ang 2 notoryus na holdaper, minalas sa Biyernes Santo


Hindi pinalampas ng dalawa umanong notoryus na holdaper ang Biyernes Santo sa paggawa ng krimen.


Arestado sina Romar Valenzuela Enot at Edjhen Malinay Gamboa alyas "Jojo Tagalog" matapos manghablot ng cellphone ng isang babae sa Dagat Dagatan, Caloocan City.

Kuwento ng 19-anyos na biktima na si Martina Montalban, binisita niya ang kanyang ama sa city jail at paglabas, saka siya natiyempuhan ng 2 suspek at hinablot ang hawak na cellphone.

Sumigaw ng tulong si Montalban at hinabol ang dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo.
Nadulas sa sakay na motorsiklo ang mga suspek kaya nang makita ng mga bystander, kinuyog at pinagbubugbog ang dalawa.

Agad namang nag-responde ang nagrorondang pulis sa lugar kaya nabawi ang cellphone ng babae.
Ayon sa pulisya, matagal nang pinaghahanap ang dalawang suspek dahil sa mga kasong theft at robbery na madalas mga estudyante at mga kababaihan ang nabibiktima.

Nakunan pa ng CCTV ang panghohold-up ng dalawa sa Samson Road at Barangay 53 noong nakaraang Linggo kung saan tumumba at muntik nang makaladkad ang isang babaeng biktima.

Aminado naman ang mga suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga at isang Kevin ang itinuturo nilang runner ng shabu at may ari ng umano’y karnap na motorsiklo.

Nahaharap sa kasong robbery ang mga suspek habang nanawagan naman ang pulisya sa mga dati pang nabiktima ng dalawa na lumutang para magsampa ng reklamo. [Read more]

No comments:

Post a Comment