Search

Abu Sayyaf leader Milloria, kumpirmadong patay sa bagong bakbakan sa Clarin Bohol


Kinukumpirma ng Police Regional Office (PRO) 7 na isa sa napatay ay ang Abu Sayyaf leader na si Joselito Milloria sa panibagong bakbakan na naganap sa Clarin, lalawigan ng Bohol.

Isang habal-habal driver ang pinara ng grupo ng kapulisan para sana magpa-bili ng tinapay, ngunit nag-tip itong may naka-salubong siyang kaduda-dudang mga tao, mabaho at matataas ang begote.

Bago nito, may apat ka-tao ang nakitang nag-iigib ng tubig na kaduda-duda rin ang mga kilos.

Nag-simula ang engkwentro sa Brgy. Bacani at umabot hanggang sa Sitio Cabulijan, Brgy. Nahawan, Clarin Bohol.

Nauna nang sinabi ni Capt. Jojo MascariƱas, spokesman ng 302nd Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Carmen, Bohol na isang operasyon ang kanilang inilunsad sa bayan ng Clarin laban sa ilang suspected Abu Sayyaf members.

Magugunitang lumabas ang ulat na may ilang miyembro ng bandidong grupo kasama si Melloria ang nakatakas sa gitna ng police at military operations sa Inabanga, Bohol.

Sa naganap na bakbakan ay napatay rin ang dalawang sibilyan na sina Constancio at Crisenta Petalco na sinasabing mga kaanak ni Melloria at kaalyado rin ng mga bandido.

Noong Miyerkules ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan siya ng tig-P1 Million sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf na mahuhuli o kaya ay mapapatay bilang reward.

No comments:

Post a Comment