Viral ang isang kwek-kwek na-recycled sa Baclaran


Kasalukuyang viral ngayon sa social media ang video ng isang lalaki na nagre-recycle umano ng tindang kwek-kwek sa Baclaran.

Ang kwek-kwek ay isa sa paboritong street food ng mga Pilipino. Ito ay itlog na binabalutan ng harina, na may atsuwete upang magkulay orange bago ipiniprito.

Ang video na kuha ng isang Edward Evangelista ay patuloy na naibabahagi na sa iba’t-ibang grupo sa Facebook at maging sa YouTube.

Sa video makikita ang tindero na nakaupo sa may bangketa at tinatanggalan ng harina ang mga itlog. Ibinababad niya ang nabalatang itlog sa isang kalderong may tubig bago ito isinasala. [Source]

Share on Google Plus

Loading...


0 comments:

Post a Comment