Search

Robredo umaming natalo ni Bongbong


Kumpiyansa si Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapanalo niya bilang ikalawang pangulo ng bansa laban sa talunang si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.


Sinabi ni Robredo sa kaniyang panayam sa dzMM ngayong Martes na wala siyang kakayahang mandaya sa eleksyon tulad ng ibinabato sa kaniya ni Marcos.

“Ako sigurado ako sa aking panalo. Wala naman akong capacity dumaya,” wika ng bise presidente.

Sa kabila nito inamin naman ng bise president na talo siya sa isang aspeto – ang propaganda war sa social media.

“Pero talagang talo tayo sa propaganda, iyong bawat galaw o kahit wala pang galaw mayroon na talaga silang kuwento,” sabi ni Robredo.

Aniya mahirap makalaban ang mga Marcos dahil sa kanilang makinarya na una na ring nagamit noong panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos.


“Kaya iyong sabi ko parati na mahirap talagang kalabang ang Marcos. Alam naman natin ang strategy na ginamit nila sa kanilang hidden wealth. Thirty-one years after, wala pa ding nangyayari,” patuloy ni Robredo.

“Iyon din ang ine-employ ngayon. Ang nakakalungkot lang, sila ang may capacity. Ang infrastructure nila sa social media in place.”

Nakabinbin sa Korte Suprema ang electoral protest ni Marcos kay Robredo kung saan iginigiit ng dating senador na siya ang tunay na nanalo. [Read more: PhilStar]

No comments:

Post a Comment