Search

Ms. ganda patay, matapos magpa-breast, liposuction at butt surgery


Kamatayan ang ibinunga ng madaliang pagpapaganda ng isang 29-anyos na babae nang mamatay ito matapos na umano’y sumailalim sa breast, liposuction at butt surgery sa isang klinika sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City nito lamang nakaraang Sabado.


Batay na rin sa kahi­lingan ng mga magulang ng biktimang si Shiryl Saturnino, na sina Noli at Shirlie Antonino ay nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police hinggil sa insidente.

Ayon sa ulat, nitong Sabado, Marso 25 nang nagtungo ang biktima kasama ang kanyang kaanak na si Shiela Mae sa The Icon Clinic na matatagpuan sa ground floor ng Summit One Tower, sa 530 Shaw Boulevard sa Barangay Highway Hills upang magpa-surgery.

Dakong alas-singko ng hapon nang ipasok ng operating room ang biktima, ngunit matapos ang surgery dakong alas-2:40 ng madaling-araw ay napansin umano nina Dr. Jose Jovito Mendiola at Dr. Samuel Eric Yapjuangco ng nabanggit na klinika, na nawalan ito ng pulso.

Sinubukang i-resuscitate ng mga doktor ang pas­yente hanggang sa isinugod na nila ito sa Makati Medical Center (MMC) ngunit idineklarang patay dakong alas-3:21 ng madaling-araw.

Nabatid na si Saturnino ay regular na pasyente ng The Icon Clinic at ito na ang ikatlong pagkakataon na nagtungo ito sa natu­rang klinika upang sumailalim sa naturang procedure.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula, aalamin ng EPD kung ano ang magiging pananagutan ng The Icon Clinic at ng mga doktor nito.
[Read more: AbanteTonite]

No comments:

Post a Comment