Search

Matobato tuwang-tuwa at naiyak sa testimonya ni Lascañas



Tuwang tuwa umano ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato nang tuluyan nang nagsalita si dating SPO3 Arthur Lascañas at pina-totohanan ang kanyang mga alegasyon sa umano'y pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad (DDS) nang ito'y tumatayo pa bilang alkalde ng Davao City.

Ayon kay Maobato, hindi lamang pinatotohanan ni Lascañas ang kanyang testimonya dahil sa matindi pa umano ang isniwalat nito sa kanya na lalo aniyang nagpatindi ng mga alegasyon laban sa Pangulo.

Aminado naman si Matobato na sumama ang loob niya nang una silang magkaharap ni Lascañas sa Senado dahil sa pagtanggi nito sa kanyang mga alegasyon ngunit napatawad na umano niya ito lalo pa't umamin na ito ngayon.

Mababatid na nauna nang sinabi ni Lascañas na walang DDS sa Davao at media hype lamang umano ito. [Brigada]

Read: Lascañas: 'Masarap sa pakiramdam kapag may mapatay'

No comments:

Post a Comment